Vice Ganda, itinangging sinundan siya ni Calvin Abueva sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2018 12:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Todo-tanggi si Vice Ganda na sinadya ang pagkikita nila ni Calvin Abueva sa Boracay.

Coincidence nga lang daw dahil nagkataong nasa Boracay din ang basketball player para bisitahin ang kanyang kapatid at hindi para makipagkita kay Vice Ganda.

Ito ang paglilinaw ni Vice Ganda sa "It's Showtime."

Dagdag pa ni Vice Ganda, nagulat siya nang makita si Calvin sa Boracay.

"Hindi ako ang sinundan niya roon. Nandoon 'yung kapatid niya. Ang alam nila pahinga 'yon with nanay. Nagpahinga talaga ako kasama ang nanay ko. Nagkataon lang na may pinuntahan sila roon. ... Ang liit lang ng isla, imposibleng hindi kami magkikita. Nagulat nga 'oy nandito ka pala?' Nagulat talaga ako,'" ani Vice Ganda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.