Tampok sa "Ikaw ang Liwanag at Ligaya" ang 20 Kapamilya stars. Screengrab mula sa lyric video.
MAYNILA - Humakot ng milyon-milyong views ang lyric video ng "Ikaw ang Liwanag at Ligaya" na Christmas theme song ng ABS-CBN ngayong taon.
Aabot sa mahigit 5 milyong views ang nahakot ng video sa Facebook, at umaangat naman ito sa top trending videos sa Youtube.
Tampok dito ang dialect at foreign languages, na ikinatuwa ng netizens.
Ayon kay Robert Labayen, head ng ABS-CBN Creative Communications Management, ikinatuwa nila ang magandang reaksiyon ng mga manonood.
"Gusto nating sabihin sa ating mga kapwa Pilipino na hindi tayo magpapatalo sa mga trials, hindi naton hihintayin ang panahon para sumaya, pwede na ngayon with God,” ani Labayen, na isa sa mga nagsulat ng kanta.
Dagdag ni Labayen, nag-effort ang lahat ng Kapamilya singers na mag-record ng kanta at i-shoot ang sarili para sa music video, na ginawa habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sa Martes, Disyembre 1 ang premiere ng music video.
Maaaring panoorin ang lyric video para sa “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” rito:
— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, TV Patrol, TV Patrol Top, lyric video, Ikaw ang Liwanag at Ligaya, YouTube, ABS-CBN, ABS-CBN Christmas Station ID 2020