Sharon Cuneta, sinorpresa ang 80-taong gulang na fan

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 08:03 PM | Updated as of Nov 28 2019 10:02 PM

MAYNILA -- Sorpresang binisita ni Sharon Cuneta ang kanyang tagahanga na nagdiwang ng kanyang ika-80 kaarawan.

Sa vlog ng "Megastar," ibinahagi niya ang kanyang naging bonding moment kasama ang kanyang fan na si Lourdes Manahan.

Nagpasalamat siya kay Lourdes sa pagsuporta sa kanya sa loob nang 40 taon.

"Eighty years old, higit pa sa isang milestone 'yun. And para sa akin, 'yung 80 na 'yun... out of the 80 mga 40 doon kasama ko si Lourdes. So kalahati halos ng buhay niya mahal niya ako, inaalagaan niya ako. Higit sa lahat, solid at loyal si Lourdes sa akin," kuwento ni Sharon sa video.

"Karamihan ng nakilala at naging ka-close kong Sharonians, parang ikaw," dagdag ng "Megastar." "Never kang naging feeling, never kang nag-take advantage sa closeness natin."

Ayon pa kay Sharon, hindi sapat ang paulit-ulit niyang pasasalamat sa kanyang tagahangang si Lourdes.

"Des, mahal na mahal kita at hindi enough ang pagpapasalamat... Hindi talaga magiging enough ang kahit one million times, o kahit na ten million, o kahit na one hundred million times ko na pagsabi ko ng thank you sa 'yo. Maraming salamat sa kalahati ng buhay mong sinamahan mo ako. Mahal kita and happy birthday," aniya.

Matatandaan na Oktubre ng 2018 ay ipinagdiwang ni Sharon ang kanyang 40th anniversary sa showbiz.

Panoorin ang pagsorpresa ng "Megastar" sa kanyang fan sa video na ito:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.