'Self-love muna': Vina Morales, tatlong taon nang pinipiling maging single | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Showbiz

'Self-love muna': Vina Morales, tatlong taon nang pinipiling maging single

'Self-love muna': Vina Morales, tatlong taon nang pinipiling maging single

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- "Self love muna."

No time for love life muna raw ngayon ang singer-actress na si Vina Morales.

Ayon kay Vina, mas pinipili niya ngayon na alagaan muna ang kanyang sarili at negosyo, at tutukan ang paglaki ng kanyang nag-iisang anak.

"I think you have to love yourself first before people could really appreciate you and love you back," aniya sa panayam ng press sa naganap na launch ng Icon Clinic.

ADVERTISEMENT

"Self-love muna bago magmahal ng kapwa mo. Ganun 'yun e... if you feel good about yourself, mas maraming positivity ang mangyayari at pakikisama mo sa kapwa mo. So I guess love and respect for yourself are the first things that you need to have in your life," dagdag niya.

Ayon pa kay Vina na tatlong taon nang single ngayon, wala na siyang mahihiling pa sa pagdating ng mga biyaya sa kanya.

"Parang ang tagal na rin, 3 years na ata [akong single]. Parang hindi ko na nga binibilang e," pabirong sabi niya. "If you love yourself, you don't need somebody naman there to complete you. Andiyan ang pamilya ko, ang anak ko. May trabaho ako, may business ako, so what more can I ask for, di ba?"

At ngayong nalalapit na ang pagtatapos ang taon, patuloy daw ang dasal ni Vina na pumanig sa kanila ang hustisya para sa patuloy na paggulong ng kaso laban sa ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

"May mga problema rin, may mga setback rin, pero hindi ko na lang i-share sa inyo lahat 'yun. Alam naman ng lahat 'yun, na there are still court cases ongoing. But you know, God is always there. He protects us, and alam namin na everything will turn out on our side," aniya.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Vina sa afternoon series na "Sandugo."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.