John Prats, bakit nga ba hanga kay 'Idol' champ Zephanie?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 12:22 PM | Updated as of Nov 28 2019 12:25 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Magiging malaking parte ng first concert ni "Idol Philippines" grand winner Zephanie Dimaranan sina Erik Santos at John Prats.

Kuwento ni John, hanga siya kay Zephanie dahil sa edad na 17 taon ay nakakapag-suggest na ito ng magandang musical numbers na magugustuhan ng kanyang fans. 

"When we had our first meeting, nagulat ako na alam niya kung ano ang gusto niya. Alam niya na ang opening prod niya ganito, gusto niya ganito. Gusto niya sanang kantahin ang song na ito kaso 'di maganda ang lyrics, baka hindi okay sa mga ka-age niya. So naiisip niya 'yung mga ganun," ani John na direktor ng concert ni Zephanie.

Si Erik naman, bukod sa isa sa special guest ni Zephanie ay magpo-produce din ng isang kanta sa unang album ng "Idol Philippines" champion.

"Magkakaroon siya ng album niya and I'm going to produce one song sa kanyang nalalapit na album. Ako nagpo-produce ng content sa kanyang YouTube, so medyo may kinalaman talaga ako sa nangyayari sa kanya nowadays. And I'm just so happy na binigyan niya ako ng pagkakataon to work with her," aniya.

Magaganap mamayang gabi, Nobyembre 28, ang concert ni Zephanie sa New Frontier Theater sa Cubao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.