PatrolPH

Dimples Romana, proud na matawag na 'character actress'

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 04:50 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

MAYNILA -- Hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya star na si Dimples Romana sa buhos ng biyaya sa kanya ngayon.

Kasunod ito ng kanyang tatak at markadong papel bilang si Daniela Mondragon sa hit Kapamilya series na "Kadenang Ginto."

Ayon kay Dimples, sa kanyang edad ay hindi na niya inasam ang kasikatan na mayroon siya ngayon.

"Hindi kasi ako ganun. Ever since ang goal ko lang naman sa pag-aartista ay 'yung may trabaho ako, mayroon lang akong gagawin na teleserye. Ganun lang naman ang gusto kong mangayari sa karera ko, 'yung hindi lang ako mawala," tugon ng Kapamilya star sa naganap na launch ng Juanlife personal insurance company kung saan siya ang brand ambassador.

Hindi na rin daw iniisip ni Dimples na mamili ng role na posibleng ibigay at ipagkatiwala sa kanya.

"Bida, hindi bida, kontrabida, best friend, nanay -- wala akong pili sa trabaho e," aniya.

Masayang-masaya rin ang "Kadenang Ginto" star sa pagkakabilang niya sa ilang Metro Manila Film Festival entry ngayong taon.

Ayon pa kay Dimples, proud din siya na matawag na "character actress" sa kabila ng kanyang mga pagganap sa pelikula at telebisyon.

"Happy ako kasi 'yung mga pinto na nabubuksan, hindi lang naman para sa akin 'yun e, para sa lahat ng character actress 'yun, na mayroon din silang dream na makapag-endorse in the future," aniya.

"Pagkatapos nito, ang dream ko ay marami pa kaming mga character actors na mabigyan ng chance, na mabigyan din ng light ang mga talents namin."

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Dimples sa "Kadenang Ginto".
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.