PatrolPH

Yeng, inaming may kinaiinggitan kay Angeline

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 12:38 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Inamin ni Yeng Constantino na may kinaiinggitan siya sa kapwa mang-aawit at kaibigan na si Angeline Quinto.

Sa pagbisita ng dalawa sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Yeng na madaling mapalapit sa kapwa si Angeline.

"Siya 'yung tao na kayang makagawa ng rapport kahit kanino. At ang bilis niyang makagawa ng rapport sa mga tao. Ang bilis niyang makabuo ng friendship. Kasi po siguro sa mga hindi nakakakilala kay Angge ay napaka-friendly niya po talaga," ani Yeng.

"Kahit sa akin, she will just make you feel comfortable kapag nagkakilala kayo. Parang hindi ka mai-intimidate sa kanya. Kaya niyang i-approach kahit sino -- boss hanggang sa janitor. Talagang isa 'yung trato ni Angge sa lahat. So, nakakainggit, friendly talaga," dagdag ni Yeng.
 
Sa ilang tao nilang pagkakaibigan mas lalong tumitibay ang samahan ng dalawa.

Nang matanong kung ano ang maipapangako nila sa isa't isa, sagot ni Yeng: "Una sa lahat thank you dahil pinapasok mo ako sa buhay mo. Alam kong dami mong kaibigan and it's an honor for me to be one of your freinds. Promise ko sa iyo, kahit anong mangyari basta nandito lang ako para sa iyo. You know that you can count on me and kapag may problema ka, one text away lang ako. Sana hanggang tumanda tayo ay magkaibigan tayong dalawa," ani Yeng.

Para naman kay Angeline, batid na niya kung ano ang kanyang gagawin sakaling tumanda na silang dalawa.

"Ako naman ang masasbai ko lang kay Yenggay, kasi totoo naman po 'yon, marami akong mga kaibigan pero iilan lang sa kanila 'yung talagang ino-open ko 'yung totoong ako at isa si Yenggay doon. Hindi ako mahilig mag-promise pero ang maipapangako ko lang kahit na dumating 'yung panahon na hindi mo na ako kilala, ibig sabihin kapag matanda na naguulyanin na, ang gagawin ko sa iyo kapag sinabi mong 'sino nga ikaw?' '(kakantahin ko) sa isang pangarap.' Feeling ko sa music pa rin tayo. Siguro kapag si Yenggay nakalimot na siya sa kahit anong bagay o kahit sinong tao, papatugtugin ko lang 'yung mga music o kanta na pinapakinggan namin ngayon. Kasi alam ko hindi niya makakalimutan kapag narinig niya 'yung mga kanta," ani Angeline na nito lamang Nobyembre 26 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Bibibida sina Angeline at Yeng kasama sina KZ Tandingan at Kyla sa isang concert kasama ang Boyz II Men sa Disyembre 15 sa Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.