Maymay Entrata, proud probinsyana pa rin

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2018 03:54 PM

MAYNILA -- Proud probinsyana pa rin ang Kapamilya star na si Maymay Entrata sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang karera sa showbiz.

Sa naging guesting ni Maymay Entrata sa "Magandang Buhay," buong puso niyang inamin ang pagiging simpleng tao sa kabila ng mga biyayang natatanggap.

"Ganun pa rin, kung paano ako kumain, nagka-kamay parin ako. 'Pag sa showbiz kasi kailangan pormal ka, 'pag kakain ka sa mga sosyal sa mga event, mayroon pa nga silang spoon na sobrang liit sa soup pala 'yun, nagamit ko sa kanin. Buti na lang andiyan si Edward mag-guide sa akin kung ako gagamitin ko na spoon at mga ano (utensils)," masayang kuwento ni Maymay sa "Magandang Buhay."

Ayon pa kay Maymay, sa wikang Bisaya pa rin sila nag-uusap ng kanyang mga kaibigan na madalas niyang nakakausap.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

"'Pag nasa bahay na ako, 'yun na 'yung time para ibuhos ko kung sino ako. Tapos sinasabihan ko si Pat (best friend niya), 'Pat, 'pag nasa bahay tayo, Bisaya pa rin tayo para hindi mawala kung sino ako dati,'" aniya.

Dito, nagkuwento rin ang Kapamilya star sa naging maikling bakasyon niya sa kanilang bahay sa Cagayan de Oro.

"Minsan parang kailangan mo ng break sa utak mo, i-refresh mo 'yung utak mo. Kailangan 'pag nawawala ka na sabi balik nga ako," ani Maymay.

"'Pag balik ko agad, nakita ko lang ang lola ko, ganun lang talaga ka-easy. Hindi pala masyado mahirap na i-maintain kung sino ka. Punta ka lang sa pamilya mo, mawawala lahat ng stress. Bumalik ka lang kung saan ka galing," paliwanag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.