Karla Estrada, nagdiwang ng kaarawan kasama ang boyfriend

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2019 11:36 AM | Updated as of Nov 26 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nakatanggap ng birthday surprise si Karla Estrada mula sa kanyang boyfriend na si Jam Ignacio.

Isang surprise party ang inorganisa ng nobyo ni Karla.

Nagpasalamat naman si Karla sa kasintahan sa kanyang post sa Instagram kung saan niya rin ibinahagi ang ilang retrato mula sa pagdiriwang.

Ilan sa mga dumalo ay ang mga kasamahan ni Karla sa "Magandang Buhay" na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Naroon din ang iba pa niyang mga kaibigan na sina Vice Ganda, KaladKaren at ABS-CBN executive Cory Vidanes.

Bukod sa nasabing party nagkaroon din ng intimate celebration si Karla sa kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Hindi mawawala sa nasabing pagdiriwang ang anak ni Karla na si Daniel Padilla at nobya nitong si Kathryn Bernardo.

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 26, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.