PatrolPH

Kaila Estrada tampok bilang celebrity guest 'Star Patroller'

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2022 08:55 PM

Watch more News on iWantTFC

Tampok bilang guest celebrity "Star Patroller" nitong Biyernes ang actress-model na si Kaila Estrada sa primetime newscast na "TV Patrol." 

Si Estrada ay bibida sa inaabangang three-part special ng "Maaalala mo Kaya."

Bilang Star Patroller, ibinalita ni Estrada, anak nina Janice de Belen at John Estrada, ang balita tungkol sa pagbangon ni Moira Dela Torre mula sa personal na pinagdaanang krisis at ang pasilip sa introduction ni Miss Universe-Philippines Celeste Cortesi. 

Matapos ang 31 taon ay magwawakas na ang drama series na "Maaalaala mo Kaya," at sa pagawawakas nito, maglalabas ang MMK ng three-part serye na "Scarlet Woman." 

Tampok ang karakter ni Estrada bilang babaeng nangarap ng bagong buhay bilang cultural dancer sa Cyprus. Iyon pala, magiging biktima siya ng recruitment syndicate ng sex workers. 

Nobyembre 26 aarangkada ang three-part special kung saan kasama sina Karina Bautista, Jenny Miller, Trina Legaspi at Meg Imperial. 

Magwawakas sa Disyembre 30 ang drama anthology. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.