PatrolPH

Yam Concepcion, peg si Heart Evangelista sa pagbabalik-serye

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2019 07:33 PM | Updated as of Nov 26 2019 12:02 AM

Yam Concepcion, peg si Heart Evangelista sa pagbabalik-serye 1
Yam Concepcion at Heart Evangelista

MAYNILA — Nagbigay patikim ang Kapamilya star na si Yam Concepcion sa mga dapat abangan sa kaniyang pagbabalik-telebisyon sa "Love Thy Woman."

Isa si Yam sa mga magiging bahagi ng teleserye na pangungunahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Kuwento ng aktres na markado sa kaniyang karakter sa "Halik" bilang Jade, ibang Yam ang mapapanood sa panibagong serye.

"Dito naman medyo bida-kontrabida siya. Joke! Ayoko naman pangunahan. Kasi 'di pa naman natin alam kung ano mangyayari doon sa story," sabi pa ni Yam sa ulat ng PUSH.

Ayon pa kay Yam, kabilang sa kaniyang paghahanda ang panonood sa mga YouTube videos ni Heart Evangelista.

"'Yung preparations ko? [Noong] nalaman ko nang nabigay sa akin 'yung role, nanood ako ng mga vlogs ni Heart (Evangelista) kasi siya 'yung kind of peg ko," aniya.

"Kasi 'di ba 'yung role ko dito mayaman, sosyal, bratty. Well, si Heart hindi naman bratty. Pero tinitingnan ko 'yung mga nuances niya, like how she talks, ganu'n," pahayag pa ng aktres.

Inaasahan na mapapanood ang "Love Thy Woman" sa unang bahagi ng 2020.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.