Karla Estrada, kinilig sa sorpresa ng nobyo para sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2019 12:16 PM | Updated as of Nov 25 2019 04:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, hiling ni Karla Estrada na maliban sa kalusugan ay mapangalagaan niya ang kanyang pag-ibig. 

"I think it's time for me na alagaan na talaga 'yung health ko, 'yung heart ko," ani Karla na hindi napigilang kiligin sa kanyang sinabi at panunukso nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Pagbabahagi ni Karla, maayos ang relasyon nila ng kanyang boyfriend.

"So healthy ... so sweet ... very happy," ani Karla na hindi naitago ang kilig nang sorpresang dumating ang nobyo na may dala-dalang litsong baboy para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

"Pero parang gusto ko 'yung nagdala nito kaysa rito (sa litson)," ani Karla.

Matatandaang sa "Magandang Buhay" din unang inamin ni Karla na mayroon na siyang bagong minamahal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.