'Feeling ko debut ko': Bianca Gonzalez bilang 'Star Patroller'

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2017 02:13 PM | Updated as of Nov 25 2017 06:05 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tanyag man bilang isang batikang TV host, hindi pa rin maikaila ni Bianca Gonzalez ang kaniyang galak nang maitampok bilang "Star Patroller" ng TV Patrol nitong Biyernes.

Mark Demayo, ABS-CBN News 

Sa kaniyang tweet, nagpasalamat siya sa pagkakataong maging bahagi ng nasabing programa.

"Maraming, maraming salamat #TVPatrol for having me! Isang karangalan," ani Bianca. 

Natuwa rin ang TV host sa inilabas na "behind the scene" video kung saan makikita ang kaniyang paghahanda sa Star Patrol segment ng TV Patrol.

Proud na proud si Bianca at nag-post pa ng larawan kasama ang TV Patrol anchors na sina Bernadette Sembrano, Ted Failon, at "Kabayan" Noli de Castro. 

 

Nakilala si Bianca bilang TV host sa iba't ibang programa ng ABS-CBN tulad ng ilang edisyon ng Pinoy Big Brother at morning show na Umagang Kay Ganda. 

Nakapaglathala na rin siya ng libro at madalas ding magbahagi ng mga videos sa Youtube kung saan nagbibigay siya ng tips at diskarte para sa mga kabataan. 

Bago si Bianca, naimbitahan na rin maging Star Patroller sina Kim Chiu, Erich Gonzales, Yassi Pressman, Toni Gonzaga, Bela Padilla, Yam Concepcion, at Mariel de Leon.

Parte pa rin ito ng ika-30 anibersaryo ng "TV Patrol."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.