MAYNILA -- Muling ibinida ni Maymay Entrata ang paghanga niya sa sikat na Kapamilya love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa Twitter, nagbalik-tanaw si Entrata sa pag-post ng isang retrato na kuha sa naging pagbisita noon nina Padilla at Bernardo sa Cagayan de Oro, higit walong taon na ang nakaraan.
"OMGGGG!!! Ito yung binatukan ako ng payong kasi sumisingit ako, makita lang kayo!! Waah goosebumps bai!," ani Entrata sa Twitter.
Matatandaang noong Agosto 2014 ay ilang libong tao ang dumagsa sa ABS-CBN Kapamilya Caravan para makita ang kanilang mga hinahangaang bituin.
Noong 2017 naman nagsimula ang karera ni Entrata sa showbiz nang magwagi siya sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7."
Nagkaroon nang katuparan ang pangarap ni Entrata na makasama sina Padilla at Bernardo nang maging bahagi siya ng seryeng "La Luna Sangre" kung saan bida ang magkasintahan.
Mula sa artsibo:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.