Karla Estrada, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga batang may cancer

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2019 01:58 PM

MAYNILA - Kasunod ang kaniyang kaarawaan noong Nobyembre 21, isang espesyal na birthday party naman ang inilaan ng "Magandang Buhay" host na si Karla Estrada kasama ang mga batang may cancer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts) on

Kasama ni Karla ang kaniyang pamankin na si Adam Jordan Lim at ang inspirasyon na si Jam Ignacio na namigay ng kaunting saya at tulong sa mga batang may karamdaman sa Child Haus shelter home.

"It's always a blessing na nabibigyan tayo ng pagkakataon na tumulong, magbigay at mag-share ng blessings natin at sinasabi natin lahat ng ito para marami pang ma-inspire na tumulong din," tugon pa ng "Magandang Buhay" host sa panayam.

Masasabi rin na ito na ang maagang pamasko na kaniyang handog para sa mga batang nangangailangan.

"Ako, my heart really goes to the children na may sakit. Minsan kapag kasama ko, nahihirapan ako, kasi mahirap sa damdamin na may ganon silang nararamdaman. Pero, kailangan mong tibayan ang loob mo para mas marami kang matulungan," pahayag pa ni Karla.