Yam Concepcion, ibinahagi ang karanasan bilang ‘pambansang kabit’

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2018 11:50 PM | Updated as of Nov 27 2018 09:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ilang beses na umanong nilapitan ng fans si Yam Concepcion dahil sa kaniyang pagganap bilang Jade sa teleseryeng "Halik."

Ayon kay Concepcion, nabansagan na rin siya bilang "pambansang kabit."

Minsan na umano siyang nabigyan ng banana cue ng isang tagahanga dahil kabit din umano ito.

" 'Idol po kasi kita,' kasi kabit din daw siya," ani Concepcion sa isang panayam ngayong Sabado sa DZMM.

"Ako na nga daw 'yung pambansang kabit eh. Binansagan na akong ganoon," dagdag pa niya.

Paglilinaw ni Concepcion, nakakatawa na mabansagan siyang ganito dahil malayong-malayo ito sa totoong buhay.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon pa kay Concepcion, "still not married" ang estado ng kaniyang buhay pag-ibig.

"I'm still not married, so technically, single," aniya.

Nitong buwan ay ipinagdiwang ni Concepcion at ng kaniyang non-showbiz boyfriend ang kanilang ika-5 anibersaryo.

Idinaan niya sa pagtugtog ng ukelele at pagkanta ang kaniyang pagbati sa kaniyang nobyong nakabase sa San Francisco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.