PatrolPH

LizQuen may bagong pelikula; Darna maaantala?

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2018 06:45 PM | Updated as of Nov 23 2018 11:35 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

Sa unang pagkakataon, nagsanib-puwersa ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen) at "hugot" director na si Antoinette Jadaone para sa isang bagong pelikula.

Watch more on iWantTFC

Magsasama ang pares at si Jadaone sa isang pelikula sa ilalim ng Black Sheep, isa sa mga film outfit ng ABS-CBN.

Ramdam na umano ng LizQuen ang excitement na makatrabaho si Jadaone na kilala sa mga tagos-pusong kuwento.

Si Jadaone mismo ang nagsulat ng kuwento.

Sa naunang story conference, nabunyag na gagampanan ni Soberano ang karakter ng isang UP student na mataas ang pangarap habang kabaliktaran naman nito ang karakter ni Gil. 

"I'll be playing Kristine, she's a UP art student, has a lot of dreams and aspirations... Eight years later, we'll see kung siya pa rin 'yung taong pinapangarap niya maging," ani Soberano. 

"B.S biology [student] ako, not a dreamer. I've been so used to not succeeding so why should I even try... It's her personality that captivated me," kuwento naman ni Gil.

Sabi ni Soberano, "nag-immersion" siya at nasubukan pang sumakay sa tanyag na "Ikot" jeep na bumibiyahe sa loob ng UP Diliman campus. 

"I got to ride the Ikot jeep, nag-sit in ako sa isang class sa AS [building]," anang aktres. 

Next month na sisimulan ng LizQuen at ni Jadaone ang shooting.

DARNA MULING MADE-DELAY?
    
Pero tanong tuloy ng fans: Ano na ang update sa isa pang pelikula ni Soberano na Darna?

Paliwanag ni Soberano, tinatapos pa ng bagong napiling direktor ng proyekto na si Jerrold Tarog ang script ng Darna, na ipinasa lang sa kaniya mula kay direk Erik Matti. 

"We're going to focus on this [Black Sheep] project first, then right after, we're going to do Darna na, we are just waiting for direk Jerrold to finish his script and everything. I think they are finalizing a few details, 'yun lang ang hinihintay natin," ani Soberano.

Target ipalabas ang bagong LizQuen film sa first quarter ng 2019.

—Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.