Mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Rizal, binisita ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2020 08:31 PM

MAYNILA - Isa ang bayan ng Rodriguez sa Rizal sa mga matinding nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses.

Kaya ngayong Linggo, binisita ng aktres na si Angel Locsin ang ilang mga residenteng nananatili sa mga evacuation center sa Rodriguez.

Nakausap rin ni Locsin si Marvin Santos, ang service representative ng Philippine Red Cross Rizal Chapter.

Ibinahagi niya ang kanilang naging karanasan sa pagsagip sa mga residenteng binaha.

Isa sa mga nawalan ng tirahan dahil sa baha si Jenalyn Tambucong. Ibinahagi niya sa Iba 'Yan ang kanilang ginawang paglikas sa kasagsagan ng pagbahang dala ng bagyong Ulysses.

Sa tulong ng mga donors, binigyan ng Iba Yan ng tulong pinansyal si Jenalyn para makapagsimula ng bagong buhay. Inabutan rin ng mga relief goods at iba pang ayuda ang mga iba pang residente sa mga evacuation center.

Panoorin ang kanilang kuwento.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.