Richard, may love advice para kay Bea, Angelica

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 01:05 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

Nagbigay ng payo tungkol sa pag-ibig ang aktor na si Richard Gutierrez para sa mga aktres na sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Magkasama ang tatlo sa pinakabagong pelikula ng Star Cinema na "Unbreakable."

Sa ginanap na media conference para sa nasabing pelikula, iginiit ni Richard na mapalad ang mga lalaking makakatuluyan nina Bea at Angelica.

"Silang dalawa, napakasuwerte nung lalaki, kung sino man 'yon sa future. 'Yung mamahalin nilang dalawa, feeling ko napakasuwerteng tao noon," ani Richard, na pinayuhan din ang dalawang aktres na huwag na munang magmadali pagdating sa pag-ibig.

"As for me kasi...ako nakikita ko sa kanila dapat hindi sila magmadali kasi mahahanap din nila ang tamang tao para sa kanila, sa tamang panahon. Ibibigay ni God sa kanila kasi they deserve the right person to love them completely," ani Richard.

"Based sa mga kuwento at narinig kong stories, grabe silang magmahal, they give everything. So, suwerte ang mga lalaking mapapangasawa nila," dagdag ng aktor.

Ipapalabas sa mga sinehan ang "Unbreakable" simula Nobyembre 27.