Arnel Pineda may ibinunyag tungkol sa kaniyang Hollywood biopic

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 08:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ibinunyag ni Journey front man Arnel Pineda ang mga makakatrabaho niyang Hollywood "heavyweights" para sa pagsasapelikula ng kaniyang buhay. 

Ayon kay Pineda, makakatrabaho niya sa pelikula ang direktor ng "Crazy Rich Asians" at producer ng "Joker."

"I was with Jon M. Chu and scriptwriter for the Joker Scott Silver... They're going to explore 'yung [panahon na] may sakit na nanay [ko], pinaalis kami ng bahay hanggang mamatay mother ko, lahat ng hardship, nawalan ako ng boses, substance abuse, dahil sa alak," ani Pineda. 

Sana din daw ay kagatin ng producers ang gusto niyang title para sa kaniyang pelikula.

"[Kasi meron nang] Crazy Rich Asians eh. Ngayon mag-isa lang ako. So Crazy Little Asian," pagbibiro ng singer.

Samantala, kung magswak ang kaniyang schedule sa Pilipinas, gusto rin ni Pineda na maging bahagi ng "The Voice of the Philippines" sa 2020.
    

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.