Tambalang JaDine, kailan nga ba babalik sa telebisyon?

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 04:34 PM

MAYNILA — Kapwa abala muna ngayon sa kani-kanilang proyekto ang onscreen at real-life partners na sina James Reid at Nadine Lustre.

Bunsod ng mga magkakasunod na proyekto kung saan hindi sila magkasama, tanong ng ilang fans: Kailan ulit makikita ang tambalang JaDine sa telebisyon o pelikula?

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

"I don't know," tugon ni Nadine sa story conference ng kanyang bagong proyekto kasama si Sam Concepcion.

Matatandaan na huling napanood sina James at Nadine sa pelikulang "Never Not Love You" noong Pebrero.

"For now, James has 'Pedro Penduko,'" ani Nadine. "I mean nasa 'Pedro Penduko' din naman ako according to direk (Paul Basinillo), pero hindi pa ata nagkakausap about doon," patuloy ni Nadine sa press.

Dagdag pa ng aktres: "With TV, I'm not yet sure, pero soon po 'yan. Marami pa rin po kasi naka-line up and we really want to focus on what's here for now. At least 'yung effort namin hindi divided kasi mahirap din naman po 'yung madami."

Paglilinaw pa ni Nadine, kahit pa madalas magkahiwalay ang proyekto nila ng nobyo, wala namang nagbabago sa kanilang relasyon.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I don't think it's different naman po kapag magkahiwalay kami or magkasama. the same lang naman po. I guess 'pag magkasama kami, parang nag-e-enjoy ako na katrabaho.

"Even though ang tagal na namin na nagkakasama, parang 'pag waiting, okay lang, hindi ako nabo-bore kasi andyan po siya, nakakausap ko and all that," paliwanag ni Nadine.

Sa ngayon, abala si Nadine sa nalalapit na showing ng pelikulang "Ulan," samantalang nakatutok si James sa paghahanda para sa "Pedro Penduko."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.