PatrolPH

Matteo, may nakakakilig na mensahe kay Sarah G

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 12:16 PM | Updated as of Nov 22 2017 01:48 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Isang nakakakilig na mensahe ang binitawan ni Matteo Guidicelli para sa kanyang nobyang si Sarah Geronimo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Matteo na sa kabila ng mga pagdududa, si Sarah ang babae na kanyang minamahal at pinagkakatiwalaan.
 
"I will say this to the one girl in my life. Don't worry even though you know maraming mga doubts and whatever. At the end of the day you know you are the person that I love, that I trust, that I hold things to," ani Matteo.

Sa kanyang guesting, ipinaliwanag rin ni Matteo ang dahilan kung bakit hindi siya nagpo-post ng larawan nila ni Sarah sa kanyang social media accounts.

"We never post. But if I could, if the situation is different, I would show the whole world how much I'm in love with my girlfriend," paliwanag ni Matteo.

"Because you know some people say, I'm always talking about her, Duh? We are in love with each other. We are happy. You know what I'm saying? If you love the person, you care for the person, you are passionate about the person, say it, love it, talk about it. Don't wait for the day na hindi mo na siya mahal, hindi mo na siya kakausapin or you won't talk about it. But since you love the person, since you love whoever that person is, you're going to spread the love, show the love, appreciate the love," ani Matteo.

Sa ngayon ay halos apat na taon ng magkasintahan si Matteo at Sarah.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.