JaDine, sinagot ang isyung magkaka-baby na

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 09:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kagagaling lang ni Nadine Lustre sa bakasyon sa Japan para sa kaniyang ika-24 kaarawan.

Sinisimulan na rin niya ang proseso ng pag-move on sa pagkamatay ng kapatid.

Ngayon, sumabak naman ang aktres at ang nobyong si James Reid sa shoot ng kanilang reunion movie sa Maynila. 

Tungkol ang pelikula sa romansa ng dalawang millennial na isang probinsiyana at isang mapusok na graphics designer. 

May working title ito na "Five Years Later", at reunion din ito ng tambalang JaDine at direktor na si Antoinette Jadaone na naghulma sa kanila sa "On The Wings of Love" at "Till I Met You".

“Si Joan po [ay] probinsiyana, taga-Zambales po siya, working for her family, super simple lang,” paglalarawan ni Lustre sa kaniyang karakter. 

“Si Gio naman bad boy, reckless, riding a bike. He’s a lone wolf, he has his tattoo. He sees something in Nadine he doesn’t see in anyone else. Sorry, not Nadine, Joan,” ayon naman kay Reid.

“You’ll root for them despite them being reckless and passionate. Dinepende ko na siya sa kung ano na sila ngayon,” kuwento naman ni Jadaone.

Sorpresa ang project dahil inakala ng lahat na maghihiwalay na ang JaDine dahil sa kani-kanilang projects na "Pedro Penduko" at "The Nurse."

“It doesn’t mean it’s the end of JaDine. We’re just doing different projects for now,” ayon kay Reid.

Nagpasalamat din si Lustre sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanila.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng JaDines na hindi nagsawa and hindi bumitaw. Ito na ‘yung pinakaaantay niyo na comeback namin,” aniya. 

Nagpasalamat din si Reid sa fans na tumulong sa kaniyang panalo bilang Best Southeast Asia Act Award sa 2017 MTV Europe Music Awards kamakailan.

“I can’t say thank you enough. It’s really big recognition for me,” sabi ni Reid.

Pinagtawanan naman ng dalawa ang isyung magkaka-baby na sila.

Biro pa ni Reid, si Lustre lang ang kaniyang "baby" ngayon.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.