Vice Ganda, proud sa pagmamahalan nila ni Ion

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 12:42 PM

MAYNILA -- Simple pero makahulugan ang bagong Instagram post ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda na retrato nila ng nobyong si Ion Perez.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

"Darating ang panahon na may makikilala kang taong mamahalin mo at mamahalin ka din," caption ni Vice sa retrato nila ni Ion.

Matatandaan na sa huling panayam kay Vice, sinabi niyang wala siyang kailangan na ikahiya sa kanilang relasyon ni Ion na nagpapasaya sa kanya ngayon.

"It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit. Wala kang iniisip mas nae-enjoy namin ang buhay," ani Vice.

Sa naunang post ni Vice, sinabi rin niya na "This love is too beautiful to be kept in the closet."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.