Richard Gutierrez, inamin na dumaan sa pagsubok ang relasyon kay Sarah Lahbati

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 08:07 PM | Updated as of Nov 21 2019 08:46 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz) on

MAYNILA -- Hindi itinanggi ng aktor na si Richard Gutierrez na minsan na rin silang dumaan sa pagsubok ng kanyang soon-to-be-wife na si Sarah Lahabati.

"Maraming instances na nagkaroon kami ng falling out," ani Richard sa media conference ng pelikula niyang "Unbreakable.

"Nagkaroon ng challenges sa relationship namin, but then we're there for each other until now."

Ayon kay Richard, simpleng tampuhan at 'di pagkakaintindihan ang kadalasan na pinagtatalunan nila ni Sarah.

"Hindi naman talaga muntik nang mag-break, but we have challenges, mga misunderstanding. Normal naman for a relationship to be challenged. Parang binibigay rin 'yun ni God para ma-test kayong dalawa kung gaano niyo kamahal ang isa't isa and 'yung relationship."

At ngayong papunta na sa next level ang kanilang relasyon, aminado si Richard na inihahanda na rin niya ang kanyang sarili.

"Siyempre very exciting times in our lives, new chapter, new beginnings. Gaya nga nang sinabi mo, marami na kaming pinagdaanan for three years. This solidifies our relationship and it solidifies our relationship with God and for the family," aniya pa.

"It's a next step in our relationship. Malalim na ang relationship namin, marami na kaming experiences and parang this is the perfect time for us to get married," sabi pa ni Richard.

Nagbigay update rin ang Kapamilya actor sa nalalapit nilang kasal na gaganapin Marso ng susunod na taon.

"Final stages na. Finalizing everything kasi since malapit na... and marami rin ang tumutulong sa amin sa preparations," pahayag ng aktor.

Bukod sa "Unbreakable" na mapapanood ngayong Nobyembre 27, naghahanda na rin si Richard sa kanyang pagbabalik-telebisyon kasama muli si Bea Alonzo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.