Yassi Pressman, ipinakita ang alagang ahas

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2018 12:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipinakilala ni Yassi Pressman ang kanyang bagong pet.

Sa video sa kanyang Instagram, ibinida ni Yassi ang kanyang alagang si Fluffy, isang ball python.

Sa caption, pinasalamatan niya ang aktor na si Michael de Mesa para sa kanyang alaga.

Matatandaang bago si Yassi ay una nang nagkaroon ang kasamahan niya at bida ng seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na si Coco Martin ng isang ahas.

Pag-amin pa noon ni Yassi, nais niya ring magkaroon ng isang alagang ahas tulad ng sa aktor.