Piolo, ipinagmalaki ang 'sexy' rampa ni Iñigo

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2017 10:16 PM | Updated as of Nov 22 2017 09:29 AM

Ipinagmalaki ni Piolo Pascual bilang "stage dad" ang pagrampa at pagpapakita ng abs ng anak nitong si Iñigo sa nakalipas na "Under the Stars" fashion show.

Sabi ni Piolo, nasa edad na si Iñigo para magdesisyon para sa sarili.

"'Yong pagpapakita ng abs, kung mayroon ka naman ipapakita, okay lang. Kung wala, itago mo," pabirong sinabi ni Piolo sa panayam ng ABS-CBN News.

"Pinanindigan naman niya, eh di wow," aniya.

Masaya naman si Piolo sa paglabas nito sa programang "Home Sweetie Home" bilang panghalili sa kaibigang si John Lloyd Cruz.

Naka-indefinite leave si John Lloyd kaya hindi ito lumalabas sa programa.

Dagdag ni Piolo, hindi naman umano ang apektado ang palabas kahit kontrobersiyal ang personal na buhay ni John Lloyd.

Inaasahang dadalo si Piolo sa "Dahil Sa'yo" thanksgiving concert ni Iñigo sa Music Museum sa Disyembre 1.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.