Nyoy Volante, ramdam ang tensyon bilang hurado sa 'Tawag ng Tanghalan'

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 12:53 PM | Updated as of Nov 20 2019 01:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "We always get criticized." 

Ganito kung ilarawan ng singer na si Nyoy Volante ang kanilang tungkulin sa "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" bilang hurado. 

Sa kanyang panayam sa "Tonight With Boy Abunda," inamin ni Nyoy na bilang hurado, hindi lahat ay sumasang-ayon sa kanilang mga nagiging desisyon.

"Sa trabahong ito, hindi pwedeng lahat mapi-please mo e'," aniya.
 
Dahil sa kabi-kabilang batikos, natutunan na rin ni Nyoy na hindi na magpaapekto sa mga ito.

"Right nila 'yun eh. 'Yung gusto nilang contestant, 'yung choice nila and they have their own way of interpreting kung bakit siya 'yung mas magaling and that's okay," sabi pa ni Nyoy. "Isipin mo na lang, kung iba 'yung natanggal, ganun rin e, makakarinig rin kami from doon sa kampo na 'yun."

Isa rin sa hamon sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan" ang pagkakaiba-iba mismo nila sa kanilang mga nagiging desisyon.

"One thing na hindi naiintindihan ng fans is that 'pag nagkaroon ng decision, lima 'yun na hindi pare-pareho. Kumbaga, magkakaiba kami ng choices. Pero 'yung pinakamaraming ganun ang decision, siyempre ganun ang nasusunod kasi consensus eh," paliwanag ni Nyoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.