Camille Prats, hiling ang masayang love life para kay Angelica Panganiban

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 01:03 PM | Updated as of Nov 20 2019 01:20 PM

MAYNILA -- Punong-puno ng pagmahahal kung ilarawan ng TV host-actress na si Camille Prats ang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban nang mapag-usapan ang buhay pag-ibig nito.

Isa si Camille sa mga kilalang malapit na kaibigan ni Angelica na kasabayan rin niya na gumawa ng pangalan sa mundo ng showbiz.

"She is happy in her own ways," tugon ni Camille sa naging panayam ng press.

"Kasi iba iba naman tayo ng definition ng happiness 'di ba? It doesn't mean na she's single, eh hindi na siya masaya. She is loved by a lot of people, she is a wonderful actress and there's a lot of people loving her, and I wouldn't think na ang pagkakaroon ng partner in life ay 'yun ang kukumpleto sa isang tao. Hindi naman ganun 'yun," paliwang pa ni Camille.

Bilang malapit na kaibigan, isa lang rin ang laging ipinapayo ni Camille kay Angelica. "I'm sure there are things that she wants in life, and lagi ko naman sinasasbi sa kanya na all in God's perfect time," aniya.

Bilang isa sa mga nagmamahal kay Angelica, isa lang rin ang dasal ni Camille para sa aktres.

"Whatever her heart's desire and kung ano man ang hinihingi niya sa Diyos, 'yun rin ang dasal ng mga kaibigan niya at mga nagmamahal sa kanya na sana may dumating na (ang someone special) na talagang magpapaligaya na talagang gusto niya para sa sarili niya," ani Camille.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.