Nadine Lustre at Sam Concepcion, bibida sa dance musical movie

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 12:42 PM | Updated as of Nov 20 2018 01:05 PM

Nadine Lustre at Sam Concepcion

MANILA -- First time magsasama sa isang malaking proyekto ang magkaibigan na sina Sam Concepcion at Nadine Lustre.

Nakapanayam ng entertainment press ang dalawang stars ng dance musical movie na "Indak" na ibinahagi ang pananabik sa kanilang bagong proyekto.

"We're super excited kasi there will have a lot of dancing, a lot of production numbers. That’s what I’m looking forward to," ani Nadine.

"Actually this is our first big project together. But me and Sam, we had an endorsement shoot before," dagdag ng aktres tungkol kay Sam, na malapit sa kanila ng boyfriend na si James Reid. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by sam_concepcion (@sam_concepcion) on

Bilang paghahanda naman para umaatikabong sayawan, special request nina Nadine at Sam ang pagdaan sa training.

"We requested for training, especially me. Medyo matagal na rin po akong hindi sumasayaw," ani Nadine.

"Well, the theme of the movie is very different and I think maha-highlight dito is 'yung dancing... It's going to be heavy dancing," sabi naman ni Sam.

Dahil bagong tambalan sa pelikula, hindi rin naiwasan na itanong kung posible ba ang pagkakaroon ng kissing scene nina Nadine at Sam sa ilang mga eksena.

Watch more in iWant or TFC.tv

Paliwanag naman ng direktor na si Paul Basinillo: "I don't want to preempt. There's a relationship, of course. Because this movie is your not just typical dance movie, it's a journey between the personalities also."

Target na mapanood ang "Indak" sa Marso 2019. 

Bukod kina Sam at Nadine, bahagi rin ng pelikula sina Julian Trono at Ella Cruz. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.