JC Santos inaming balak 'magpahinga' sa showbiz sa 2019

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 04:57 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

Sa kaniyang 30th birthday, ipinagmalaki ng aktor na si JC Santos na halos natupad na niya lahat ng kaniyang nasa bucket list. 

Pinakahuli rito, ani Santos, ay ang pagpapatayo niya ng bahay para sa kanyang pamilya sa Pampanga kung saan nila inaasahang magsama-sama. 

"It’s a house na napagawa ko sa Pampanga, finally. Mapagsasama-sama ko ang pamilya ko. OFW kasi lahat. My dad was a seaman, my mom was in Las Vegas, my sister was in Pampanga, at ako naman in Manila," aniya. 

Sa ngayon, libang ang aktor sa kanyang pagiging single.

"I’m really enjoying right now. It’s the first time I’m single for a year...I was enjoying life. Ang dami kong nagawa," kuwento niya.

Pero pag-amin ni Santos, umabot na rin siya sa puntong halos ma-burnout kaya sa 2019 ay panandalian daw muna niyang tatalikuran ang showbiz para mag-sabbatical leave.

"Gusto kong magpahinga, mga months lang naman... Storyteller ka, you have to give them the truth. Pero teka lang, pa-robot na ako," paliwanag ng aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

Gusto lang daw muna ni Santos na maka-travel at magawa ang hobby niya na free diving.

Pangako niya, hindi niya iiwan ang showbiz dahil ang pagiging aktor lang umano ang gusto niyang gawin sa buhay. —Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.