Gloc-9, gumawa ng bagong kanta

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 12:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong awitin ang nilikha ni Gloc-9 para sa dating "Tawag ng Tanghalan" contestant na si J. Kris.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, ibinahagi ni Gloc-9 ang kuwento tungkol sa pagsasanib-puwersa nila ni J. Kris para sa awiting "Pamaypay."

"Collab po siya. Isinulat ko po 'yung song for J. Kris. Matagal ko na pong kilala si J. Kris, alam kong kumakanta siya. Pero noong nakita ko nga siya sa 'TNT,' sabi ko parang nag-mature na itong taong ito. Gawan nga natin [ng kanta]," kuwento ni Gloc-9.

"Ito po ay single ni J. Kris, ako po ay featured artist doon sa single," paglilinaw niya.

Labis naman ang pasasalamat ni J. Kris sa pagkakataong makasama sa isang proyekto si Gloc-9.

"'Yun po, sobrang thankful at napakasuwerte ko po kasi nakasama ko si Gloc-9 sa isang kanta. Ginawan pa ako ng kanta para sa akin. Sobrang thankful ko lang talaga," aniya.

Inawit naman nina Gloc-9 at J Kris ang "Pamaypay" para sa mga manonood ng "UKG."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.