PatrolPH

Bakit humingi ng tawad si Karla Estrada kay Nadia Montenegro

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2017 03:06 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Humingi ng paumanhin ang aktres na si Karla Estrada sa kaibigan at kumare na si Nadia Montenegro sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Bumisita si Nadia sa programa para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Karla.

"Ang friendship ko with Nadia, sa mayroon at sa wala, sa hirap at sa ginhawa. Sabi ko nga, ilang beses akong nakapunta sa bahay ni Nadia na kasama ko ang mga anak ko para kumain. Pero napakalaking bagay. Sino ba ang pwedeng magpapasok sa iyo para pakainin ang buong pamilya mo, hindi ba ang hirap? Si Nadia ang isa sa magpapatunay kung anong klase akong tao at ano akong klaseng ina, dahil nakita niya lahat yon," ani Karla.

Pag-amin ni Nadia, may panahong nagtampo siya sa kaibigan dahil sa hindi niya ito nakakasama.
 
"Kung hinahanap ka ng kaibigan mo maybe because nami-miss lang kita. Happing happy ako sa naging buhay mo Karla, alam mo yan. ...Kasi dumaan din ako sa point na nagtampo rin ako at alam ko na naramdaman niya 'yon. Pero nagtampo ako palipad na siya. Pero dito sa puso ko ay masaya ko na nangyayari sa kanya 'yon. Kumbaga ang kanta ko lang sa iyo ay 'Hinahanap Hanap Kita,'" ani Nadia sa kay Karla.

Para sa kanyang naging pagkukulang bilang kaibigan, humingi naman ng tawad si Karla kay Nadia.

"Nads, katulad ng sinabi ko, puntahan niyo lang ako. Kasi alam mong ang tagal kong binuno kaya pagdating ng panahon ay hindi ko binitawan si Daniel (Padilla). Pasensiya na, I'm so sorry, kung hindi kita nakita. Ang tagal na panahon na hindi tayo nag-bonding, pero hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ko, hindi nagbago Nads," ani Karla kay Nadia, na nangako namang palaging nandiyan lang para kay Karla. 

Maliban kay Nadia, bumisita din para sa kaarawan ni Karla sina Shirley Fuentes at isa rin sa ninang ni Daniel na si Donita Rose.

"Alam mo, si (Nadia at Donita), si Shirley wala na noong ako ay nagbuntis kay Daniel. Pero itong mga taong ito bakit ko silang ginawang ninang? Ibig sabihin mahalaga ang pakikipagkaibigan na ibinigay ko sa kanila dahil ipinagkatiwala ko sa kanila ang anak ko, ginawa ko silang ninang," ani Karla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.