Pagpilit ni James Reid kay Daniel Padilla na sumayaw, nag-viral

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 12:05 PM | Updated as of Nov 19 2019 12:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ikinatuwa ng fans ang kumakalat na video nina Daniel Padilla at James Reid.

Sa video, tila ayaw magsayaw ni Daniel kaya naman hinila at halos buhatin na siya ni James papunta sa dance floor.

Sa huli, nakangiting bumigay din at sumayaw si Daniel.

Naganap ang nakakatuwang kulitan ng dalawa sa after-party ng "ASAP in Rome."

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 19, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.