Dibdib ni Angeline Quinto, pinuntirya ng netizen

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 03:07 PM

MAYNILA -- Hindi napigilan ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto na sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang mga revealing outifit.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Good Morning Abu Dhabi😇🥰💋 See you soon Manila. Miss na kita❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

"Hoy anggee... kung kakanta ka nman sa asap lantaran na ung boobs mo kkahiya ka!!! ayos ayosin mo nman ganyan ba ang dalagang pilipina," pahayag ng netizen sa Instagram post ng Kapamilya singer.

Agad na sumagot si Angeline. "maka Hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit papaano maging mabuting ehemplo din kayo sa ibang kabataan," ani Angeline sa post.

"Kung problema niyo po ang boobs ko, huwag niyo na pong pagaksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko. Tama po? Salamat po," pahayag ng singer.

Matatandaan na kamakailan lang, inamin ni Angeline na nagpabaswas siya ng kanyang dibdib.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.