Arnel Pineda, magiging bahagi na rin ng 'The Voice Philippines'?

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 03:16 PM | Updated as of Nov 19 2019 03:45 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by arnel c. pineda (@arnelpineda2007) on

MAYNILA -- Nanatiling bukas sa posibilidad ang Pinoy singer na si Arnel Pineda sa alok sa kanya ng "The Voice of the Philippines" na maging isa sa mga coaches nito kasama sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo.

"I'm very, very willing to do that," tugon ni Arnel sa kanyang maagang paghahanda para sa kanyang upcoming Valentine’s Day concert na "Let It Love, Let It Rock" kasama si Yeng Constantino.

"Galit na nga ata sa akin ang mga taga-'The Voice Phippines.' Actually na-invite na ako before pero hindi ko lang magampanan talaga. Gustong gusto ko talaga," ani singer.

Dahil sa kanyang mga naging karanasan bilang singer, nais ni Arnel na magbahagi ng kanyang kaalaman sa bagong henerasyon ng mga mang-aawit.

"I have so much to share, kasi 'yung pinanggalingan ko tubong lugaw (rin) talaga. Kasi 'yung mga sumasali sa singing search, they are trying their best na kahit mahirap lang sila katulad ko, talagang ang lalakas ng loob nila," aniya.

At sa muling pagbubukas ng bagong edisyon ng "The Voice Teens," hindi isinasantabi ni Arnel ang mga posibilidad na maging bahagi nito.

"I don’t know kung hinihintay pa nila ako or baka nagsawa na sila or they don't want me anymore," aniya. "Kasi talagang depende sa time eh. Like next year, mag-start na kami mag-tour starting May to September."

Pero kung magkakaroon lang rin ng pagkakataon, game daw si Arnel para dito. "I love to do it, kaya 'pag napapanood ko, nakiki-mentor ako in my thoughts na 'ahhh okay' ganito dapat ganyan," aniya.

Sa ngayon, tutok si Arnel sa kanyang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng 2019 Southeast Asian Games sa Pilipinas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.