Tom Doromal ng Hashtags, nagsalita na sa pagkalunod ni Franco

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2017 11:27 PM | Updated as of Nov 19 2017 11:47 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ibinahagi ni Tom Doromal ng grupong Hashtags ang mga huling sandali ng buhay ng kaibigang si Franco Hernandez.

Kasama ang kanilang mga kaibigan, lumipad patungong Davao Occidental si Tom at Franco para magbakasyon.

Ayon kay Tom, napasukan ng tubig ang bangkang kanilang sinasakyan kaya napilitan silang tumalon sa dagat.

Napadpad umano sa malalim na bahagi ng dagat si Franco at kanyang nobya. 

Nailigtas naman sila ng mga bangkero ngunit patay na si Franco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.