PANOORIN: 'Nagbabagang' rampa ng mga sikat sa Bench fashion show

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2017 07:35 PM | Updated as of Nov 19 2017 07:39 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mistulang umulan ng mga bituin sa "Under the Stars" fashion show ng kilalang clothing brand na Bench nitong Sabado, Oktubre 18 sa Mall of Asia Arena.

Kaniya-kaniyang gimik ang mga artista sa pagrampa ng kanilang mga sexy at mapangahas na kasuotan.

Unang rumampa si Iñigo Pascual na agad nagpakita ng kaniyang abs.

Mapang-akit naman si Julia Barretto sa kaniyang all-white na pantalon at sports bra.

Hiyawan ang mga manonood nang rumampa si Paulo Avelino na nagtanggal pa ng pang-itaas.

Sinalubong din ng tilian sina Richard Gutierrez at Enrique Gil.

Kasama sa mga rumampa ang iba pang Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Beauty Gonzalez at Julia Montes.

Kinilig naman ang mga manonood paglabas ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

May pahabol pang halik si Daniel kay Kathryn sa dulo ng kanilang rampa.

Kapansin-pansin ang pagliban ni Ellen Adarna, na inasahan sanang rumampa sa okasyon. Lalo tuloy uminit ang mga usaping nagdadalang tao siya sa iniuugnay sa kaniyang si John Lloyd Cruz.

Bahagi ang fashion show sa pagdiriwang ng nasabing clothing brand ng kanilang ika-30 anibersaryo.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.