'Napakabuting tao niya': Miles dumipensa sa kaibigang si Sharlene

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 12:07 PM | Updated as of Nov 18 2019 03:18 PM

MANILA -- Naniniwala ang aktres na si Miles Ocampo sa kabutihan ng kanyang matalik na kaibigan na si Sharlene San Pedro.

Kamakailan lang ay inakusahan si Sharlene ng pambu-bully ng aktres na si Alexa Ilacad.

Sa panayam ng ABS-CBN News, iginiit ni Miles na kilala niya si Sharlene at alam niyang mabuting tao ito.

"Ang bilis naman po kasi magbitaw ng salita. Basta ako po kilala ko po si Sharlene, kilala ko po ang beshie ko at proud ako sa kanya kasi alam kong napakabuting tao niya," ani Miles.

Nang matanong ang reaksiyon ni Miles sa kontrobersiyang kinakasangkutan ni Sharlene, sagot ni Miles: "Wala akong masasabi diyan. Sabi ko nga po kanina, napakaliit ng industriya natin, magkakasalubong at magkakasalubong tayo at mahirap na mayroon tayong sinasabi na against sa isa't isa na hindi rin natin alam kung totoo ba o hindi. Kapag ganun, wala na lang pong comment kasi ang liit lang po ng industriya natin."

Sa nakaraang panayam kay Sharlene, nagbigay reaksiyon na ito sa akusasyong binitiwan ni Alexa.

Giit ni Sharlene, hindi niya kailanman magagawa ang pangbu-bully lalo't biktima ng bullying ang kanyang kapatid. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.