Maricel Soriano, makakasama si Sharon Cuneta sa project?

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 11:23 AM | Updated as of Nov 18 2019 03:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Balik-pelikula si Maricel Soriano sa horror movie na "The Heiress."

Bigo man na makapasok bilang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, positibo si Maricel na tatangkilikin pa rin ito ng manonood dahil maganda ang kanilang proyekto.

Marami rin ang nakapansin sa ibinawas ng timbang ni Maricel na kanyang ikinuwento kung paano ang naging paraan.
 
"No carbs. Nag-e-excercise na ako. Nag-gym na ako ngayon. Puspusan, effort talaga. Kasi may edad na ako kailangan ko talagang mag-effort," ani Maricel.
 
Ibinahagi pa ni Maricel ang mga celebrity na hinahangaan niya dahil sa professionalism at pagmamahal sa trabaho. Nanguna si Piolo Pascual sa nabanggit ng aktres.
 
"Kasi ako mismo sa punctuality niya I'm so amazed kasi nga darating sa set, wow, prepared, prepared si Piolo," ani Maricel.

Sa posibilidad naman na magkasama sila ni Sharon Cuneta sa isang project, mukhang 'di pa dito nakatuon ang pansin ni Maricel.

"Siguro mahaba pang panahon ang tatakbuhin niyan bago pa natin mapuntahan ang part na 'yan, kasi marami pa tayo ginagawa," ani Maricel.
 
Ipapalabas ang pelikulang "The Heiress" sa November 27.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.