Ejay Falcon, gaganap na Elias sa pelikulang 'Damaso'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 11:23 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Gaganap si Ejay Falcon bilang si Elias sa historical na pelikulang "Damaso" ng Reality Entertainment.

Patuloy ang pasasalamat ni Ejay sa magandang pasok ng positive news sa career niya sa ngayon.

"Sana tuloy-tuloy lang ang nangyayari dahil sobrang blessed ko ngayon taon. Sana dire-diretso lang po," ani Ejay.

Naibahagi pa ni Ejay na going strong ang relasyon nila ng nobyang si Jana Roxas at napapag-usapan na ang kasalan. Pero giit niya hindi sila nagmamadali.

"Napapag-usapan naman po 'yon. Pero sabi ko nga, wala pa ngayon at sobrang busy pa. And ayaw ko naman na parang nakikiuso ako dahil nakita ko na nag-propose si ganito at si ganyan, 'yung ma-pressure ako na bakit ako hindi pa," ani Ejay.

Bukod sa "Damaso," regular din na napapanood si Ejay sa seryeng "Sandugo."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.