Dimples Romana, naniniwala sa inspirasyong ibinibigay ni Angel Locsin

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 11:25 AM | Updated as of Nov 18 2019 03:18 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

MAYNILA -- Naniniwala si Dimples Romana sa inspirasyong naibibigay ng kaibigan niyang si Angel Locsin.

Sa nakaraang panayam kay Dimples, nagbahagi si Dimples sa naging pagtulong ni Angel sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao. 

"Ginagawa niya ito kahit walang telebisyon, kahit walang camera. Ilang beses niya na itong nagawa kaya lang na-highlight 'yon kasi timely at may nag-post," ani Dimples.

Naniniwala si Dimples na minsan ay makakabuti na ipaalam ang mabubuting nagagawa ng isang tao para maging huwaran ng iba. 

"Minsan alam mo naiisip ko, maganda rin na i-post niya to inspire others na kahit gaano ka-busy, kahit gaano kalaking tao si Angel, ay nagagawan niya ng paraan kung paano tumulong. Paano pa kaya tayo?" ani Dimples.

"So minsan maganda rin pino-post yung mga ganoon. Hindi para iyabang kung hindi para makapag-inspire ng iba," dagdag ng bituin ng "Kadenang Ginto."

Matatandaang kumalat sa social media ang retrato ni Angel na nasa Davao para magbahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.