Janella Salvador, mas bukas ngayon sa relasyon kay Markus Patterson

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 07:16 PM

MAYNILA -- Bakas ang saya at ningning ngayon sa mga mata ng Kapamilya star na si Janella Salvador nang kamustahin ang etsado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

"Masaya, of course. I'm happy," sabi pa ni Janella sa panayam ng entertainment press sa naganap na media conference ng "The Heiress."

Ayon pa sa Kapamilya star, napapasaya siya nayon ni Markus Paterson na malapit sa kanya ngayon. "Pero I just don’t want to share a lot. Basta alam niyo na 'yun 'pag nakita niyo kami sa labas," aniya pa.

Inamin din ni Janella ang dahilan nang kanyang pagiging mas bukas sa usapin ng kanyang buhay pag-ibig.

"Siguro noong time na 'yun mas careful ako kasi fresh pa. Pero ngayon marami na rin akong napagdaanan from that moment and marami na ako natutunan. Talagang fully recovered na kaming lahat," paliwanag ni Janella.

Masaya rin daw si Janella na kilala na ng kanyang pamilya si Markus. "Na-meet na ng Dad [Juan Miguel Salvador] ko."

Nakilala na rin daw ito ng kanyang ina na si Janine Desiderio, "Okay naman. Actually wala akong problema ngayon pagdating doon (love life)," ani Janella.

Sa ngayon, napapanood si Janella sa "The Killer Bride" at mapapanood rin sa pelikulang "The Heiress" kasama si Maricel Soriano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.