TNT Boys, todo-handa na para sa kanilang concert

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2018 01:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Matindi na ang paghahanda nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez, o mas kilala bilang TNT Boys, sa kanilang nalalapit na concert.

Sa Nobyembre 30 magaganap ang "Listen: The Big Shot Concert" sa Araneta Coliseum.

"Nagre-rest po ng voice, hindi po kumakanta kapag hindi kailangan, hindi bumibirit. Lahat po ng puwede naming magawa," ani Francis sa pagbisita niya at ng mga kasamahan sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

"Hindi po kami kumakain ng matamis at malalamig po," dagdag naman ni Mackie.

Hirit naman ni Kiefer: "Nagbo-vocalize po kami every morning at nagre-rehearse po kami sa ibang kanta namin sa ibang guesting."

Maliban sa concert, nakatakda ring maglabas ng Christmas album ang TNT Boys.

Para naman sa mga manonood ng "Magandang Buhay" ay inawit ng tatlo ang bersiyon nila ng "Swing."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.