ZsaZsa, Moira, KZ, Jona may bagong kanta para sa typhoon victims

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2020 02:34 PM

May handog na kanta ang ilang 'ASAP' singers para sa mga biktima ng sunod-sunod na bagyong dumaan sa Pilipinas. Screenshot, ABS-CBN

Handog ng ilang Kapamilya singer ang isang bagong kanta para sa mga biktima ng sunod-sunod na mga bagyong nanalasa sa Pilipinas nitong mga nagdaang linggo.

Itinanghal sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo nina ZsaZsa Padilla Moira dela Torre, KZ Tandingan, at Jona Viray ang kantang "Heal." 

Layon umano ng kanta na makapagbigay ng pag-asa, pagmamahal at paghilom sa mga Pilipino na naging biktima ng sunod-sunod na kalamidad kamakailan.

Watch more in iWantTFC

Noong Nobyembre 1, hinagupit ang malaking bahagi ng Luzon ng Super Typhoon Rolly, ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon. Hindi bababa sa 25 ang naitalang nasawi dahil sa bagyo.

Hindi pa man tuluyang nakababawi sa iniwang pinsala ng Rolly, dumating din sa bansa ang mga bagyong Siony at Tonyo.

Noong nakaraang linggo naman, nanalasa ang bagyong Ulysses sa Luzon, kung saan hindi bababa sa 67 ang naitalang patay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.