‘Lagi niyang alagaan si Vice’: Coco Martin may payo kay Ion Perez

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 08:29 PM | Updated as of Nov 16 2019 07:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Ibinahagi ni Coco Martin ang naging "catch-up" session nila ng malapit niyang kaibigan na si Vice Ganda, na ngayon ay iniuugnay sa "It's Showtime" regular na si Ion Perez. 

Kuwento ni Martin, nagkita sila ni Vice sa isang restoran kung saan nagpalibre pa umano ang komedyante. 

Sabi ni Martin ay hindi nila napag-usapan si Perez pero nabalitaan na niya ang umano'y umuusbong na pag-iibigan ng dalawa. 

"Naririnig ko mabait, hindi ito 'yung klase ng lalaki na gimik nang gimik... Ganun siya ka-sincere sa pagmamahal niya kay Vice," ani Martin. 

Malapit na magkaibigan sina Vice at Martin mula noong nag-iindie movie pa sila. 

May mensahe naman si Martin kay Perez. 

"Lagi niyang alagaan si Vice. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil [sa] concern na binibigay niya at pag-aalaga," sambit ni Martin. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.