Billy Crawford, kailan nga ba babalik sa 'Showtime'?

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2018 08:19 PM

MAYNILA -- Looking forward ngayon ang Kapamilya host na si Billy Crawford para sa kanyang upcoming projects sa ABS-CBN.

Kasunod ng pagpirma ng two-year contract sa ABS-CBN ang mga nakalinyang proyektong sasalihan ni Billy tulad ng "ASAP," "World of Dance," "Pilipinas Got Talent," at ang nalalapit na pagsisimula ng "Idol Philippines."

Kuwento ni Billy, isa siya sa mga excited na makasamang muli si Regine Velasquez na dati niyang nakasama sa ibang network.

"It's just so nice na magkakasama na ulit kami as one big family. Nakakaaliw lang talaga and I'm excited to perform, I'm excited to spend time with ate Reg (Regine Velasquez), kuya Ogs (Ogie Alcasid), and everyone," kuwento ni Billy. 

Dahil isa na siya sa mga madalas na mapapanood na Sunday noontime-variety show, time-out muna daw sa daily show si Billy.

"Nami-miss ko rin naman talaga ang 'Showtime,'" tugon niya.

Kung tatanungin naman daw kung kailan siya magbabalik sa daily noontime show, sagot ni Billy: "Not for the moment, hindi muna ako babalik. I'll be definitely concentrating muna sa iba." 

"Tapos 'yung album ko rin, I just finished after nine years. So by next year, I will [release] a single," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.