'Darna' star Jane de Leon, ibinahagi ang pangarap na super power

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kung magkakaroon ka ng super power, anong super power ang gusto mo?

Sa video na inilabas ng ABS-CBN Lifestyle, sinagot ito ng bagong Darna na si Jane de Leon.

"Teleportation talaga. Kasi trapik sa EDSA para di ako ma-late," ani Jane.

At kung may invisibility power si Jane, nais niyang unang gamitin ito sa pagpasok sa bahay or sa concert ng K-Pop group na BTS.

"At gagamitin ko 'yon para makapag-travel ako para wala na akong bayad," dagdag ni Jane.

Ibinahagi rin ni Jane na maliban kay Darna, paborito niyang superhero si Shadowcat mula sa X-Men.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.