Arjo Atayde, makakasama si Carlo Aquino sa bagong season ng 'Bagman'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagbabalik si Arjo Atayde sa second season nang maaksiyong serye na "Bagman."

Mas matindi ang mga eksena sa season two at nadagdagan pa ang mga karakter sa serye. Kabilang sa dapat abangan ay ang aktor na si Carlo Aquino.

Maraming sagupaan sina Carlo at Arjo at hindi naiwasan na magkasakitan.

"Tatamaan ka talaga one way or another kung hindi man tao baka bakal, kahoy, eh that's how it is. Tinamaan niya ako dito (sa lower lip), siko in the face, wham! Pero naramdaman ko siya! Solid 'yon," ani Arjo.
 
Isa sa pinakamahirap na role para kay Arjo ang ginagampanan ngayon sa "Bagman."

Pero challenge niya sa sarili na mas mahirap pa ang mga papel na haharapin sa future projects para mas mahasa ang kanyang talento bilang aktor.

"I haven't even done half of what I want to do. So hopefully, looking forward, one step at a time, I'm going there. Definitely I'm going to do crazier roles... and I don't want to repeat any roles to be honest," ani Arjo.
 
Ang "Bagman" season two ay magsisimulang ipalabas sa iWant simula Nobyembre 13.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.