PANOORIN: Angelica, 'naiyak' dahil kay Zanjoe sa 'Playhouse'

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2018 03:06 PM

 

MANILA -- Mabigat ang eksenang tinutukan ng mga manonood sa "Playhouse" na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Nitong Martes, walang patid ang pagluha ng karakter ni Angelica na si Patty habang nakikinig sa pahayag ni Marlon (Zanjoe) sa korte para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Sa pahayag ni Marlon, binalikan nito ang naging pagmamahalan nila ni Patty at ang dahilan kung bakit kailangan na niyang palayain ang asawa. 

"Naaala ko po noon sinabi sa akin ni Patty na we bring out the worst in each other. Dati po hindi ko pinapaniwalaan 'yon. Pero sa tuwing binabalikan ko po lahat, siguro nga I can become the worst person dahil sa pagmamahal ko kay Patty. And she doesn't deserve the worst kaya po nagpa-file ako ng annulment," ani Zanjoe bilang si Marlon.

Mapapanood ang "Playhouse" mula Lunes hanggang Biyernes bago ang "It's Showtime."